BAKAS NG KAHAPON
ni: Syren Fiedacan
"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Pangako
hindi kita iiwan", mga salitang hanggang ngayon ay dala-dala at
pinanghahawakan ni Romina. Hanggang ngayon ay hindi siya nagkakamaling magmahal
ng kahit sino sapagkat naalala nya pa rin ang pangakong binitiwan ng lalaking
una niyang inibig. Lalaking nagbigay kahulugan sa salitang pag-ibig.
Si Romina ay isang pangkaraniwang babae lamang.
Hindi katangkaran, maputi ang balat, mataba ang mga pisngi, naglalakihan ang
dalawang mga mata, masipag sa pag-aaral at matalino. Namumuhay siya kasama ang
kaniyang Ina at kapatid na babae sa isang barong-barong. Oo, mahirap lamang
sila ngunit hindi mo ito mahahalata sa kanila sapagkat napakalinis nilang
manamit. "Nay papasok na po ako" ang laging bukambibig niya tuwing
umaga bago siya pumasok. Sa kaniyang pagpasok dala-dala niya ang isang dosenang
aklat at mga notebook. Makikita na hirap na hirap siya sa pagdadala ng mga ito.
Kasabay niya ang kaniyang dalawang kaibigan. Malayo ang paaralan nila na halos
aabutin ng 30 minutos sa paglalakad.
Maaaring mahuli sila kung mabagal maglakad.Nang umagang iyon ay biglang bumuhos
ang malakas na ulan at ni isa sa kanilang tatlo ay walang dalang payong kaya't
huminto sila sa pahingahan at doon naghintay na tumigil ang ulan. Malapit ng
mag-7:30, ang oras ng kanilang unang klase,nang biglang dumaan ang tatlong
lalaki na kanila ring kaklase.
"Sabay
na kayo sa amin, malalate kayo nyan". At dali-dali naman silang sumabay at
pumasok.
Pagdating sa kani-kanilang mga silid, laking
pasasalamat nalang sapagkat wala pa ang kanilang guro. Inayos nula ang kanilang
sarili sapagkat basang-basa sila. Ang ilan naman ay naglilinis upang hindi
mapagalitan ng guro. Kakaunti lamang ang pumasok ng araw na iyon dala ng
masamang panahon. Ang mga lalaki ay sa parteng unahan na rin pinaupo. Nakatabi
ni Romina si Rodnie. Si Rodnie ay matagal na niyang kakilala sapagkat
elementary pa lamang ay magkaklase na sila. Ito rin ay matagal ng nanliligaw sa
kanya ngunit hindi niya pinapansin sapagkat wala pa sa isip niya ang ganitong
mga bagay. Tanging pag-aaral lamang ang kaniyang binibigyang pansin.
"Yes,
nakatabi rin kita", tuwang-tuwang bulong ni Rodnie kay Romina.
"Oh
bakit na naman ba? Diba sabi ko tigilan mo na ako".
"Ang
taray mo naman. Mindan na nga lang tayo mag-usap ganyan ka pa".
"Hay
nako, kung gusto mo makipag-usap please wag sa oras ng klase, kita kaya tayo ni
Mam" sabay tingin sa unahan at nakatingin nga sa kanilang dalawang ang
guro.Napangiti nalang si Rodnie at nakinig na ang dalawa.
Pagkatapos ng talakayan, lumabas na ang ilan para
bumili ng pagkain. Si Romina lamang ang naiwan sapagkat wala naman saiyang
perang pambili at mayroon na rin siyang dalang pagkain. Ganito siya araw-araw.
May pagkakataong isinasama siya siya sa paglabas ngunit nagdadahilan siya na
mayroon pang gagawin. Nakita niya sa kaniyang kanan na papalapit si Rodnie at
tatayo na sana siya ng biglang..
"Oh
pasaan ka?"
"Ah
e, wala naman. Nalaglag kasi yung ballpen ko. Kukunin ko lang sana"
pagkukunwari niya.
"Ito
ba?" abang hawak na nga ang ballpen na kinuha sa ilalimna upuan ni Romina.
"Salamat"."So
pwede na ba tayong mag-usap? Wala naman na tayong klase?" ang nangingiusap
na sabi ni Rodnie.
"Ano
bang pag-uusapan natin?" pagtataka niya.
"Ah...
ehh.. ano kasi. Diba matagal naman na akong nanliligaw sayo. Pwede na bang
maging tayo?"
"Ha?"
lalong lumaki at bumilog ang kaniyang mga mata.
"Joke
lang ito naman" sabay ang mapagkunwaring ngiti sa mga labi. "Kumain
ka na ba? Tara labas, libre kita" pagyayaya niya dala ng kahihiyan sa
sarili. Ngunit ayaw niyang sumama kaya't hinila niya ito sa pagkakaupo at
napilitan rin siyang sumama.Hindi napansin ng dalawa na magkahawak ang kanilang
mga kamay habang naglalakad patungo sa canteen. Sila ay pi;nagtitinginan ng mga
estudyante na nakapaligid sa kanila. Nang makabili na sila at pagkatapos kumain
ay agad ding bumalik sa silid. Pinag-uusapansila at muling pinagtitinginan.
Pinagtatawanan rin si Romina ang dalawa niyang kaibigan.
"Oh
bakit? Anong problema? Bakit kayo nagtatawanan?" tanong niya.
"Kayo
na ba?" natatawang tanong ni Tan.
"Ha?
Nagbibiro ba kayo. Hindi oy. Alam nyo naman diba".
"Eh
bakit kayo magkaholding-hands. HHWW eh".
"Ha?
Di ko alam yun" pagtataka niya.
"Awsus,
sya na ba o si ano?"
"Pstt,
wag kayong maingay, pag may nakarinig sa inyo, bahala kayo" kinikilig na
sabi ni Romina.
Mabilis na kumilos at tumungo sa kani-kanilang
pwesto ang bawat isa nang dumating ang kanilang guro. Boring ang kanilang klase
kung kaya't ang iba ay mayroong sariling pinagkakaabalahan. Tanging uwian nalang
ang hinihintay.
Lumipas ang ilang araw, walang pagbabagong
naganap. Ganoon araw-araw ang nangyayari. Papasok, makikinig, gagawa ng
activities at uuwi ng bahay.
Araw ng sabado, walang pasok kaya nagkayayaan ang
magkakaklase na magkaroon ng konting salo-salo kasabay ang kaarawn ng isa sa
kanila. Pinuntahan nila ang bahay ng kanilang mga kaklase upang ipaalam ang
kaganapan. Nang patungo na sila sa bahay nina Romina, laking gulat nila ng
makitang nagsisibak ito ng kahoy. Hindi nila akalain na magagawa ito ng maliit
na babaeng kaklase nila. Masipag talaga siya kaya laging napupuri ng kanilang
kapitbahay.
"Hoy
Romina, pumunta ka mamaya sa bahay nina Paul" sigaw ni Von.
"Ha
.. ehh, may gagawin pa ako pagkatapos ko.
Tsaka di ako papayagan ng aking Ina".
Lumapit
si Nardo, "basta pumunta ka, hihintayin ka namin".
Pauwi na sana ang magkakaklase ng bigla nilang
masilayan ang Ina ni Romina. Binati nila ito at ipinagpaalam si Romina kung
maaaring sumama sa kanila mamayang gabi. Pinayagan naman ito sapagkat bihira
lamang ang ganitong pangyayari sa dalaga. Ganoon rin ay upang makasalamuha pa
niya ang ilan sa mga kaklase nito dahil lagi nalang ang dalawang kaibiganang
kasa-kasama. Basta uuwi ng maag at hindi aabutin ng alas dose ng gabi. Natuwa
ang mga ito, lalong lalo na si Nardo sapagkat mabait ang ina ni Romina. Tunay
na may pinagmanahan nga ito.
Si Nardo ay lalaking matangos ang ilong,mapupula
at maninipis ang labi, makinis at maputi ang mukha, may malinis at maayos na
buhok, mabangong damit at matikas na katawan. Siya ay nag-iisang anak kaya
lahat na lang ng luho ay naibibigay. Seryoso siya at napakatamihik na lalaki at
walang ibang ginawa kundi ang maglaro. Magaling siya sa paglalaro ng basketball
at lahat ng dumarayo sa kanilang lugar ay hinfi niya tinatanggihan. Lahat na
ata ng katangian na hinahanap sa isang lalaki ay taglay niya. Maraming babae
ang nahuhumaling sa kaniya at nagnanais na mapasakanya.
"Bakit
kaya ako niyaya ng mga ito" bulong niya sa sarili. At bigla niyang naalala
ang pangyayari noong nasa unang taon pa lamang siya.
Noon ay inamin niya sa kaniyang kaibigan na
hinahangaan niya si Nardo. Kamag-aral na nila ito simula kinder ngunit noon lang
siya naglakas loob na ilabas ang nararamdaman. Hindi niya ito masabi sapagkat
sino ba naman siya para mahalin ang isang tulad ni Nardo. Parang langit na
napakahirap abutin dahil nasa lupa lamang. Nalaman ito ni Nardo, kaya hindi na
ito nagdalawang isip pa. Tinext niya si Romina kung maaaring maging sila. Hindi
na niya tinanong pa kung pwedeng manligaw sapagkat matagal na naman silang
magkakilala at laging magkasama. Sa katunayan ay magkalapit lang dinang
kanilang tahanan.
"Ha?
Agad na?" ang reply ni Romina.
"Oo,
crush mo ako diba. Mahal kita"
sagot ni Nardo.
"A..
ee.. noon pa yun. Tsaka paghanga lang yun" ang hindi magkaintindihang
tugon ni Romina.
"Sige.
Basta maghihintay ako".
Lumipas ang ilang araw at nawalan ng komunikasyon
ang dalawa. Lagi namansilang nagkikita sa paaralan ngunit hiya ang namamagitan
sa kanila kaya naging tahimik ang buhay ni Romina. Hindi niya alam kung tunay ba sinabi ni Nardo o
nagbibiro lamang siya. Ngunit kung totoo iyon bakit hindi siya kinakausap
hanggang ngayon. itinuon na lamang niya ang sarili sa pag-aaral.
"Basta
punta ka maghihintay ako" buntong hininga niya sa sarili. "Bakit kaya
ako pinapasama? Siguro namimiss nya na ako.
Siguro may sasabihin sya sa akin na mahalaga. Siguro inip na siya sa
paghihintay. Hayss, puro siguro, pero sana nga" ang assumingera niyang
tugon. "Pero pano si Rodnie? Mabait sya sa akin. Hay nako, bahala na
nga". Ayaw na niyang mag-isip pa ng kung ano-ano kaya natulog na
lamangbsiya at nagpahinga.
Alas
singko na ng siya ay magising.
"Oh
anak, bakit hindi ka pa naliligo? Diba may pupuntahan ka" tugon ng
kaniyang ina.
"Alam
nyo po? Pero Nay marami pa pong labahin na naghihintay sa akin" agalang niyang sagot.
"Aba
ay maligo ka na. Kaya na iyan ng kapatid mo. Hinihintay ka na ni Rodnie sa
labas".
"Rodnie?"
Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang sasabihin.Dali-daling tumakbo sa c.r upang
maligo. "Bakit hindi si Nardo, kala ko ba hihintayin nya ako?"
naiisip na sabi sa sarili.
Mabilis
na nag-ayos ng sarili at maagang nakarating ang dalawa sa bahay ni Paul. Naroon
na ang kanilang mga kaklase.
"Anong
meron?" tanong ni Romina.
"Ha,
hindi mo alam. Birthday ko Bes".
"Ay
sorry. Happy Birthday".
"Sige
bilisan nyo na, dumiretso na kayo sa kusina at kanina pa naghihintay ang mga
pagkain".
Tumungo ang dalawa sa kusina at kumain. Hindi
niya napapansin o nakikita man lamang si
Nardo sa bahay. "Nasaan na kaya ang kumag na yun?" sabi niya sa
sarili.
"Sino
bang hinanahanap mo at kanina kanpa lingon nang lingon? Nandito naman ako sa
tabi mo ahh" tugon ni Rodnie.
"Wala
naman. Kain ka ng marami, masarap ang luto ni Tita".
Matapos kumain ng dalawa, tumungo namansila sa
sala kung saan naroon ang kanilang mga kaklase at pawang silang dalawa nalang
ang hinihintay. Naroon na rin si Nardo at mga tropa nito. Handa na ang inumin
at ilang pagkain. Lalaki man o babae ay umiinom rin. Sila ay mayroong
kani-kaniyang partner. Katabi ni Romina si Rodnie, si Nardo naman ay kausap ang
kaniyang tropa tungkol sa laro nila kinabukasan. Naubos na ang isang inumin
kaya kuha ng isa pa si Paul. Maagang umuwi si Rodnie dahil malayo pa ang
kaniyang uuwian. Wala ng kasamasi Romina kaya tumabi siya sa kanyang kaibigan.
Ang kaibigan niya ay mayroong kasamang lalaki kaya hindi rin sila nagkakausap
ng maayos. Nilapitan siya ni Nardo na kanina nya pa talagang hinihintay na
lumapit.
"Nasaan
na si Rodnie? Bakit ka niya iniwan?"
"Ah,
umuwi na. Malayo pa raw ang uuwian niya".
"Kayo
na ba? Diba sabi ko sayo maghihintay ako" nanginginig na sabi ni Nardo.
"Lasing
ka na Nardo. Tsaka pwede ba wag dito".
"Mahal
kita. Mahal na mahal kita" nangingiyak na.
"Aba
tong loko, ang arte. Paiyak-iyak pa. Hayss" buntong hininga niya.
"Nardo,
noon crush kita at alam ko na alam mo yun. Ilang araw ang lumipas nawalan tayo
ng komunikasyon. Di mo ako kinakausap, di tayo nagpapansinan. Bakit
ganon?"
"Pasensya
ka na, nag-iisip lang ako ng panahong yun. Pero uulitin ko ulit sayo, mahal
kita Romina".
"Maha..
"
Hindi
pa natatapos ang sasabihin ni Romina ng biglang lumapat ang kanilang mga labi.
Isang halik na nakatanggal ng pagkalasing ni Nardo.
"Tayo
na ba?" muling tanong ni Nardo.
"Nardo,
lasing ka lang" pag-uulit niya.
Muling
hinalikan ni Nardo si Romina. Nang gabinring iyon ay naging magkasintahan ang
dalawa.
"Mahal
na mahal kita. Pangako hindi kita iiwan". pahabol pa ni Nardo.
"Oo
na naniniwala na ako".
Matagal na nag-usap ang dalawa. Napatingin sa
orasan si Romina at 11:45 na ng oras na iyon. Agad siyang nagpaalam sa mga
kaibigan at inihatid naman siya ni Nardo. Habamg nasa daan ang dalawa
paulit-ulit na sinasabi ni Nardo ang mga katagang "Mahal na mahal kita
Romina. Pangako hindi kita iiwan". At ng nasa tapat na ng barong-barong muling
umimik si Romina, "tayo na ha" at mangiti-ngiting hinalikan ni Nardo
ang labi nito.
Kinabukasan, laking gulat ni Romina mg makita
niyang naghihintay sa labas ang kaniyang kasintahan. Sabay silang naglakad
patungo sa paaralan at ang dalawa pa niyang kaibigan. Alam na ng lahat ang
kanilang pagiging magkasintahan dahil mayroong nakita ng maglapat ang kanilang
mga labi. Ganoon rin ay alam na ng kanilang mga magulang at kapatid ni
Romina.Hindi na ito itinanggi ng dalawa. Masaya sila, ngunit si Rodnie ay
umiiwas sa kanila marahil ay nagseselos. Humingi ng tawad si Romina sa
nangyari.
Dumating ang araw ng Christmas Party, abala ang
lahat sa mga gawain at mga palaro. Ito ang ikatlong araw ng pagiging
magkasintahan ng dalawa. Lagi silang magkasama, magkapartner sa larong
pandalawahan at parang magnet na kayhirap ng paghiwalayin apag nagkadikit.
"Sana
siya na talaga. Siya ang pangarap kong makasama" bulong niya sa kaniyang
sarili. Mahal na mahal niya si Nardo sapagkat noon pa lamang ay kakaiba na ang
kaniyang nararamdaman dito.
Kinabukasan, umagang umaga, ay nabasa niya ang
mensahe mula kag Nardo. Sabik na sabik sitang basahin ito.
"Be,
nasaan ka? Pwede ba tayo mag-usap?"
Bigla siyang kinabahan. Naiisip na niya ang sunod
na mangyayari. Muling tumunog ang kaniyang selpon.
"Be,
magpinsan daw tayo".
Hindi
na siya nagulat pa sa sinabi ng kasintahan.Alam na niya ang nais nitong
iparating.
Taranta
niya itong tinext, "maghiwalay na tayo, magpinsan man tayo o hindi".
Hindi nya na tinanong kung paano naging magpinsan, ganoon na ang kaniyang
sinabi dahil alam nyang doon din naman patungo ang usapan.
Labis
na nalungkot at nagdamdam si Romina. Hindi niya naisip na magagawa ito ni
Nardo. Maghapong nagmukmok sa silid at natulog. Naiisip niya ang mga ala-alang
lumipas, ang mga nangyaring kay hirap kalimutan, at ang pangakong kaniyang
binitiwan.
"Pero
okay lang. Kaya ko ito. Tatlong araw pa lang kaming nagmamahalan, mabilis lang
syang kalimutan" nagmamatatag na sabi sa sarili.
Ilang buwan ang lumipas. Naging maayos ang dalawa
at muling naibalik ang pagiging magkaibigan ngunit hindi na tulad ng dati.
Nag-uusap at nagpapansinan ngunit kapag pag-ibig ang napag-uusapanay kapwa
natatahimik ang dalawa. Bumalik sa panliligaw si Rodnie ngunit hindi niya
masabi kung may pag-asa ba ito. Maaaring dahil mahal nya pa di Nardo o takot na
siyang masaktan at umasa sa mga pangako.
Nakapagtapos si Romina ng pag-aaral dala ang
karangalang nakamit. Masaya ang kaniyang magulang sapagkat sakabila ng mga
problemang dumaan ay hindi ito sumuko bagkus ay naging matatag pa. Sa
pagtuntong niya sa kolehiyo, sa tuwing nakakasalamuha siya ng mga lalaki,
tanging si Nardo ang kaniyang naaalala . Ang mga pangakong hanggang ngayon ay
nasa kaniyang isipan at umaasang isang araw ay babalik at tutuparin sa kaniya.
WAKAS.