Miyerkules, Marso 8, 2017

Bakas ng Kahapon

BAKAS NG KAHAPON

ni: Syren Fiedacan


Image result for love shadow

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Pangako hindi kita iiwan", mga salitang hanggang ngayon ay dala-dala at pinanghahawakan ni Romina. Hanggang ngayon ay hindi siya nagkakamaling magmahal ng kahit sino sapagkat naalala nya pa rin ang pangakong binitiwan ng lalaking una niyang inibig. Lalaking nagbigay kahulugan sa salitang pag-ibig.
Si Romina ay isang pangkaraniwang babae lamang. Hindi katangkaran, maputi ang balat, mataba ang mga pisngi, naglalakihan ang dalawang mga mata, masipag sa pag-aaral at matalino. Namumuhay siya kasama ang kaniyang Ina at kapatid na babae sa isang barong-barong. Oo, mahirap lamang sila ngunit hindi mo ito mahahalata sa kanila sapagkat napakalinis nilang manamit. "Nay papasok na po ako" ang laging bukambibig niya tuwing umaga bago siya pumasok. Sa kaniyang pagpasok dala-dala niya ang isang dosenang aklat at mga notebook. Makikita na hirap na hirap siya sa pagdadala ng mga ito. Kasabay niya ang kaniyang dalawang kaibigan. Malayo ang paaralan nila na halos aabutin ng 30  minutos sa paglalakad. Maaaring mahuli sila kung mabagal maglakad.Nang umagang iyon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at ni isa sa kanilang tatlo ay walang dalang payong kaya't huminto sila sa pahingahan at doon naghintay na tumigil ang ulan. Malapit ng mag-7:30, ang oras ng kanilang unang klase,nang biglang dumaan ang tatlong lalaki na kanila ring kaklase.
"Sabay na kayo sa amin, malalate kayo nyan". At dali-dali naman silang sumabay at pumasok.
Pagdating sa kani-kanilang mga silid, laking pasasalamat nalang sapagkat wala pa ang kanilang guro. Inayos nula ang kanilang sarili sapagkat basang-basa sila. Ang ilan naman ay naglilinis upang hindi mapagalitan ng guro. Kakaunti lamang ang pumasok ng araw na iyon dala ng masamang panahon. Ang mga lalaki ay sa parteng unahan na rin pinaupo. Nakatabi ni Romina si Rodnie. Si Rodnie ay matagal na niyang kakilala sapagkat elementary pa lamang ay magkaklase na sila. Ito rin ay matagal ng nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya pinapansin sapagkat wala pa sa isip niya ang ganitong mga bagay. Tanging pag-aaral lamang ang kaniyang binibigyang pansin.
"Yes, nakatabi rin kita", tuwang-tuwang bulong ni Rodnie kay Romina.

"Oh bakit na naman ba? Diba sabi ko tigilan mo na ako".

"Ang taray mo naman. Mindan na nga lang tayo mag-usap ganyan ka pa".

"Hay nako, kung gusto mo makipag-usap please wag sa oras ng klase, kita kaya tayo ni Mam" sabay tingin sa unahan at nakatingin nga sa kanilang dalawang ang guro.Napangiti nalang si Rodnie at nakinig na ang dalawa.

Pagkatapos ng talakayan, lumabas na ang ilan para bumili ng pagkain. Si Romina lamang ang naiwan sapagkat wala naman saiyang perang pambili at mayroon na rin siyang dalang pagkain. Ganito siya araw-araw. May pagkakataong isinasama siya siya sa paglabas ngunit nagdadahilan siya na mayroon pang gagawin. Nakita niya sa kaniyang kanan na papalapit si Rodnie at tatayo na sana siya ng biglang..

"Oh pasaan ka?"

"Ah e, wala naman. Nalaglag kasi yung ballpen ko. Kukunin ko lang sana" pagkukunwari niya.

"Ito ba?" abang hawak na nga ang ballpen na kinuha sa ilalimna upuan ni Romina.

"Salamat"."So pwede na ba tayong mag-usap? Wala naman na tayong klase?" ang nangingiusap na sabi ni Rodnie.

"Ano bang pag-uusapan natin?" pagtataka niya.

"Ah... ehh.. ano kasi. Diba matagal naman na akong nanliligaw sayo. Pwede na bang maging tayo?"

"Ha?" lalong lumaki at bumilog ang kaniyang mga mata.

"Joke lang ito naman" sabay ang mapagkunwaring ngiti sa mga labi. "Kumain ka na ba? Tara labas, libre kita" pagyayaya niya dala ng kahihiyan sa sarili. Ngunit ayaw niyang sumama kaya't hinila niya ito sa pagkakaupo at napilitan rin siyang sumama.Hindi napansin ng dalawa na magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad patungo sa canteen. Sila ay pi;nagtitinginan ng mga estudyante na nakapaligid sa kanila. Nang makabili na sila at pagkatapos kumain ay agad ding bumalik sa silid. Pinag-uusapansila at muling pinagtitinginan. Pinagtatawanan rin si Romina ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh bakit? Anong problema? Bakit kayo nagtatawanan?" tanong niya.

"Kayo na ba?" natatawang tanong ni Tan.

"Ha? Nagbibiro ba kayo. Hindi oy. Alam nyo naman diba".

"Eh bakit kayo magkaholding-hands. HHWW eh".

"Ha? Di ko alam yun" pagtataka niya.

"Awsus, sya na ba o si ano?"

"Pstt, wag kayong maingay, pag may nakarinig sa inyo, bahala kayo" kinikilig na sabi ni Romina.

Mabilis na kumilos at tumungo sa kani-kanilang pwesto ang bawat isa nang dumating ang kanilang guro. Boring ang kanilang klase kung kaya't ang iba ay mayroong sariling pinagkakaabalahan. Tanging uwian nalang ang hinihintay.

Lumipas ang ilang araw, walang pagbabagong naganap. Ganoon araw-araw ang nangyayari. Papasok, makikinig, gagawa ng activities at uuwi ng bahay.

Araw ng sabado, walang pasok kaya nagkayayaan ang magkakaklase na magkaroon ng konting salo-salo kasabay ang kaarawn ng isa sa kanila. Pinuntahan nila ang bahay ng kanilang mga kaklase upang ipaalam ang kaganapan. Nang patungo na sila sa bahay nina Romina, laking gulat nila ng makitang nagsisibak ito ng kahoy. Hindi nila akalain na magagawa ito ng maliit na babaeng kaklase nila. Masipag talaga siya kaya laging napupuri ng kanilang kapitbahay.

"Hoy Romina, pumunta ka mamaya sa bahay nina Paul" sigaw ni Von.

"Ha .. ehh, may gagawin pa ako pagkatapos ko.  Tsaka di ako papayagan ng aking Ina".
Lumapit si Nardo, "basta pumunta ka, hihintayin ka namin".

Pauwi na sana ang magkakaklase ng bigla nilang masilayan ang Ina ni Romina. Binati nila ito at ipinagpaalam si Romina kung maaaring sumama sa kanila mamayang gabi. Pinayagan naman ito sapagkat bihira lamang ang ganitong pangyayari sa dalaga. Ganoon rin ay upang makasalamuha pa niya ang ilan sa mga kaklase nito dahil lagi nalang ang dalawang kaibiganang kasa-kasama. Basta uuwi ng maag at hindi aabutin ng alas dose ng gabi. Natuwa ang mga ito, lalong lalo na si Nardo sapagkat mabait ang ina ni Romina. Tunay na may pinagmanahan nga ito.

Si Nardo ay lalaking matangos ang ilong,mapupula at maninipis ang labi, makinis at maputi ang mukha, may malinis at maayos na buhok, mabangong damit at matikas na katawan. Siya ay nag-iisang anak kaya lahat na lang ng luho ay naibibigay. Seryoso siya at napakatamihik na lalaki at walang ibang ginawa kundi ang maglaro. Magaling siya sa paglalaro ng basketball at lahat ng dumarayo sa kanilang lugar ay hinfi niya tinatanggihan. Lahat na ata ng katangian na hinahanap sa isang lalaki ay taglay niya. Maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya at nagnanais na mapasakanya.

"Bakit kaya ako niyaya ng mga ito" bulong niya sa sarili. At bigla niyang naalala ang pangyayari noong nasa unang taon pa lamang siya.

Noon ay inamin niya sa kaniyang kaibigan na hinahangaan niya si Nardo. Kamag-aral na nila ito simula kinder ngunit noon lang siya naglakas loob na ilabas ang nararamdaman. Hindi niya ito masabi sapagkat sino ba naman siya para mahalin ang isang tulad ni Nardo. Parang langit na napakahirap abutin dahil nasa lupa lamang. Nalaman ito ni Nardo, kaya hindi na ito nagdalawang isip pa. Tinext niya si Romina kung maaaring maging sila. Hindi na niya tinanong pa kung pwedeng manligaw sapagkat matagal na naman silang magkakilala at laging magkasama. Sa katunayan ay magkalapit lang dinang kanilang tahanan.

"Ha? Agad na?" ang reply ni Romina.

"Oo, crush mo ako diba. Mahal kita"  sagot ni Nardo.

"A.. ee.. noon pa yun. Tsaka paghanga lang yun" ang hindi magkaintindihang tugon ni Romina.

"Sige. Basta maghihintay ako".

Lumipas ang ilang araw at nawalan ng komunikasyon ang dalawa. Lagi namansilang nagkikita sa paaralan ngunit hiya ang namamagitan sa kanila kaya naging tahimik ang buhay ni Romina. Hindi niya  alam kung tunay ba sinabi ni Nardo o nagbibiro lamang siya. Ngunit kung totoo iyon bakit hindi siya kinakausap hanggang ngayon. itinuon na lamang niya ang sarili sa pag-aaral.

"Basta punta ka maghihintay ako" buntong hininga niya sa sarili. "Bakit kaya ako pinapasama? Siguro namimiss nya na ako.  Siguro may sasabihin sya sa akin na mahalaga. Siguro inip na siya sa paghihintay. Hayss, puro siguro, pero sana nga" ang assumingera niyang tugon. "Pero pano si Rodnie? Mabait sya sa akin. Hay nako, bahala na nga". Ayaw na niyang mag-isip pa ng kung ano-ano kaya natulog na lamangbsiya at nagpahinga.

Alas singko na ng siya ay magising.

"Oh anak, bakit hindi ka pa naliligo? Diba may pupuntahan ka" tugon ng kaniyang ina.

"Alam nyo po? Pero Nay marami pa pong labahin na naghihintay sa akin"  agalang niyang sagot.

"Aba ay maligo ka na. Kaya na iyan ng kapatid mo. Hinihintay ka na ni Rodnie sa labas".

"Rodnie?" Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang sasabihin.Dali-daling tumakbo sa c.r upang maligo. "Bakit hindi si Nardo, kala ko ba hihintayin nya ako?" naiisip na sabi sa sarili.

Mabilis na nag-ayos ng sarili at maagang nakarating ang dalawa sa bahay ni Paul. Naroon na ang kanilang mga kaklase.

"Anong meron?" tanong ni Romina.

"Ha, hindi mo alam. Birthday ko Bes".

"Ay sorry. Happy Birthday".

"Sige bilisan nyo na, dumiretso na kayo sa kusina at kanina pa naghihintay ang mga pagkain".

Tumungo ang dalawa sa kusina at kumain. Hindi niya napapansin o nakikita man lamang  si Nardo sa bahay. "Nasaan na kaya ang kumag na yun?" sabi niya sa sarili.

"Sino bang hinanahanap mo at kanina kanpa lingon nang lingon? Nandito naman ako sa tabi mo ahh" tugon ni Rodnie.

"Wala naman. Kain ka ng marami, masarap ang luto ni Tita". 

Matapos kumain ng dalawa, tumungo namansila sa sala kung saan naroon ang kanilang mga kaklase at pawang silang dalawa nalang ang hinihintay. Naroon na rin si Nardo at mga tropa nito. Handa na ang inumin at ilang pagkain. Lalaki man o babae ay umiinom rin. Sila ay mayroong kani-kaniyang partner. Katabi ni Romina si Rodnie, si Nardo naman ay kausap ang kaniyang tropa tungkol sa laro nila kinabukasan. Naubos na ang isang inumin kaya kuha ng isa pa si Paul. Maagang umuwi si Rodnie dahil malayo pa ang kaniyang uuwian. Wala ng kasamasi Romina kaya tumabi siya sa kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya ay mayroong kasamang lalaki kaya hindi rin sila nagkakausap ng maayos. Nilapitan siya ni Nardo na kanina nya pa talagang hinihintay na lumapit.

"Nasaan na si Rodnie? Bakit ka niya iniwan?"

"Ah, umuwi na. Malayo pa raw ang uuwian niya".

"Kayo na ba? Diba sabi ko sayo maghihintay ako" nanginginig na sabi ni Nardo.

"Lasing ka na Nardo. Tsaka pwede ba wag dito".

"Mahal kita. Mahal na mahal kita" nangingiyak na.

"Aba tong loko, ang arte. Paiyak-iyak pa. Hayss" buntong hininga niya.

"Nardo, noon crush kita at alam ko na alam mo yun. Ilang araw ang lumipas nawalan tayo ng komunikasyon. Di mo ako kinakausap, di tayo nagpapansinan. Bakit ganon?"
"Pasensya ka na, nag-iisip lang ako ng panahong yun. Pero uulitin ko ulit sayo, mahal kita Romina".

"Maha.. "

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Romina ng biglang lumapat ang kanilang mga labi. Isang halik na nakatanggal ng pagkalasing ni Nardo.

"Tayo na ba?" muling tanong ni Nardo.

"Nardo, lasing ka lang" pag-uulit niya.

Muling hinalikan ni Nardo si Romina. Nang gabinring iyon ay naging magkasintahan ang dalawa.

"Mahal na mahal kita. Pangako hindi kita iiwan". pahabol pa ni Nardo.

"Oo na naniniwala na ako".

Matagal na nag-usap ang dalawa. Napatingin sa orasan si Romina at 11:45 na ng oras na iyon. Agad siyang nagpaalam sa mga kaibigan at inihatid naman siya ni Nardo. Habamg nasa daan ang dalawa paulit-ulit na sinasabi ni Nardo ang mga katagang "Mahal na mahal kita Romina. Pangako hindi kita iiwan". At ng nasa tapat na ng barong-barong muling umimik si Romina, "tayo na ha" at mangiti-ngiting hinalikan ni Nardo ang labi nito.

Kinabukasan, laking gulat ni Romina mg makita niyang naghihintay sa labas ang kaniyang kasintahan. Sabay silang naglakad patungo sa paaralan at ang dalawa pa niyang kaibigan. Alam na ng lahat ang kanilang pagiging magkasintahan dahil mayroong nakita ng maglapat ang kanilang mga labi. Ganoon rin ay alam na ng kanilang mga magulang at kapatid ni Romina.Hindi na ito itinanggi ng dalawa. Masaya sila, ngunit si Rodnie ay umiiwas sa kanila marahil ay nagseselos. Humingi ng tawad si Romina sa nangyari.

Dumating ang araw ng Christmas Party, abala ang lahat sa mga gawain at mga palaro. Ito ang ikatlong araw ng pagiging magkasintahan ng dalawa. Lagi silang magkasama, magkapartner sa larong pandalawahan at parang magnet na kayhirap ng paghiwalayin apag nagkadikit.

"Sana siya na talaga. Siya ang pangarap kong makasama" bulong niya sa kaniyang sarili. Mahal na mahal niya si Nardo sapagkat noon pa lamang ay kakaiba na ang kaniyang nararamdaman dito.

Kinabukasan, umagang umaga, ay nabasa niya ang mensahe mula kag Nardo. Sabik na sabik sitang basahin ito.

"Be, nasaan ka? Pwede ba tayo mag-usap?"

Bigla siyang kinabahan. Naiisip na niya ang sunod na mangyayari. Muling tumunog ang kaniyang selpon.

"Be, magpinsan daw tayo".

Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng kasintahan.Alam na niya ang nais nitong iparating.

Taranta niya itong tinext, "maghiwalay na tayo, magpinsan man tayo o hindi". Hindi nya na tinanong kung paano naging magpinsan, ganoon na ang kaniyang sinabi dahil alam nyang doon din naman patungo ang usapan.

Labis na nalungkot at nagdamdam si Romina. Hindi niya naisip na magagawa ito ni Nardo. Maghapong nagmukmok sa silid at natulog. Naiisip niya ang mga ala-alang lumipas, ang mga nangyaring kay hirap kalimutan, at ang pangakong kaniyang binitiwan.

"Pero okay lang. Kaya ko ito. Tatlong araw pa lang kaming nagmamahalan, mabilis lang syang kalimutan" nagmamatatag na sabi sa sarili.

Ilang buwan ang lumipas. Naging maayos ang dalawa at muling naibalik ang pagiging magkaibigan ngunit hindi na tulad ng dati. Nag-uusap at nagpapansinan ngunit kapag pag-ibig ang napag-uusapanay kapwa natatahimik ang dalawa. Bumalik sa panliligaw si Rodnie ngunit hindi niya masabi kung may pag-asa ba ito. Maaaring dahil mahal nya pa di Nardo o takot na siyang masaktan at umasa sa mga pangako.

Nakapagtapos si Romina ng pag-aaral dala ang karangalang nakamit. Masaya ang kaniyang magulang sapagkat sakabila ng mga problemang dumaan ay hindi ito sumuko bagkus ay naging matatag pa. Sa pagtuntong niya sa kolehiyo, sa tuwing nakakasalamuha siya ng mga lalaki, tanging si Nardo ang kaniyang naaalala . Ang mga pangakong hanggang ngayon ay nasa kaniyang isipan at umaasang isang araw ay babalik at tutuparin sa kaniya.

WAKAS.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento