Miyerkules, Marso 8, 2017

Minamahal kong Kaibigan

MINAMAHAL KONG KAIBIGAN
Fiedacan, Syren F.




I
Sa aking tatlong taon, na pagsisikap at pag-aaral,
Ako ay may nakilala, ngunit bakit ngayon lamang,
Napakaraming araw, oras, lingo at minuto,
Sa di alam na dahilan ikaw ay nasilayan.

II
Sa aking panaginip, ikaw unang dumaan,
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang,
Iyong mukha, iyong mata ang tanging natatandaan,
Pangako kinabukasan, hahanapin ka nang tuluyan.

III
Ating paaralan ay nilibot ko para sayo,
Para akong namamasyal sa munting paraiso,
At ikaw nga ay namasdan, sa amin ring departamento,
Buong galak, buong saya, naramdaman nitong puso.

IV
Laso mong kulay lila, ang siyang aking unang namasdan,
Agad na pinagtanong, sapagkat pangalan mo’y di pa alam
Salamat nalang sa aking mabuting kaibigan,
Ikaw pala ay kanyang kilala at lagging nakakasama.
V
Ikaw ay biglang nagtaka, nang ako ay magmensahe,
Kapag ako ay nangungulit, ikaw ay nasusura,
Ang gusto ko lang naman, ay lubos ka pang makilala,
Sapagkat ako’y tuwang-tuwa sa tuwi-tuwina.

VI
Dalawang puyo sa iyong pisngi ang lagi kong tinitingnan,
Mga lubo mong matataba ay gusto kong panggigilan,
At sa totoo lamang, selpon ko ay puno ng iyong larawan,
At aking tinititigan upang pagod ay malunasan.

VII
Ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa pag-aaral,
Minsan pa nga ay nagpupuyat dahil sa mga kalokohan,
Ngunit salamat pa rin sayo aking kaibigan,
Salamat sa oras at araw na iyong sinasayang.

VIII
Ang tanging dasal at hiling ko lamang,
Kapag nagtapos at paaralan ay nilisan,
Ang isa’t isa ay huwag nating makalimutan,
Manatili sa isipan ang mga ala-alang nagdaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento