
IKAW LAMANG, WALA NG IBA PA
Fiedacan, Syren F.
I
Ikaw ay nag-iisa, wala na ngang iba,
Dito sa aking puso, ika’y nangunguna,
Nais kang makapiling sa tuwi-tuwina,
Sapagkat ang gusto ko ay maramdaman ka.
II
Tanging pangalan mo ang siyang nagpapaalala,
Tuwing ginugunita, Amang pinakadakila,
Tahanan mong kay ganda sa ami’y ipinamana,
Kaya’t mabuting dasal ang siyang aking panata.
III
Ikaw ang nagpapagaling ng karamdamang dala-dala,
Ikaw ang tumutulong saking nararanasang problema,
Ikaw ang nag-iingat sa akin, at buo kong pamilya,
Kaya’t ikay pinasasalamatan, buong kaluluwa.
IV
Aking Ama, ang sambit kong inyong aba,
Ingatan, bigyan ng mahabang buhay pa,
Ilayo sa sakunang di alintana,
Mga pangarap ko ay ipaubaya.
V
Salamat po mula sa matatalim kong dila,
Ako’y naging hinirang at ika’y nakilala,
Pinunan mo ang isipan ng mga salita,
Na makatotohanan na siya kong sandata.
VI
Ako’y nangangako sa inyong mahal na pangalan,
Patuloy kang paglilingkuran, buong katapatan,
Ikaw ay mananatili, sa king puso’t isipan,
Natatanging may lalang nitong buong kalawakan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento